Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/586

Mula Wikisource
Nabasa at naiwasto na ang pahinang ito


200. Buhat kay Rizal para sa kanyang kapatid na si Narcisa




Si Binibining Josefina ay nagpapasalamat sa alok na pagpapatuloy sa kanya. Ipinasiya ni Rizal na si Josefina'y tumira sa Dapitan.

Ang "matamis na dayuhan" ay abalang-abala, hindi

makapagdaing o makapag-atsara.
[Dapitan
(walang petsa), Abril, 1895?]


GINANG NARCISA RIZAL


MINAMAHAL KONG KAPATID:

Kahapo'y nabasa ko ang sulat mo at si Binibining B¹ at ako'y nagpapasalamat nang maraming-marami sa butihin mong puso. Pinasasalamatan niya, lalung-lalo na sa iyo at kay Tonino,² ang alok ninyong siya'y patuluyin sa inyong bahay datapuwa't sa ngayo'y ipinasiya naming tumigil siya rito. Wala siyang sukat maipadala sa inyo, sa dahilang sa mga araw na ito'y hindi siya nakapagpapahinga kahit isang saglit at bagaman ito'y ikinasisiya niya, gayunma'y hindi siya marunong magdaing at mag-atsara.

Ang prasko ng "juchique" ay napakasarap at kinain naming parang handang pamista.

Kung ninanais ni Antoninong³ samantalahin ang bakasyon, ay ikagagalak ko nang malaki na siya'y makita ko rito datapuwa't siya'y nararapat tumigil dito hanggang Hunyo, sapagka't
_____________________

1 Si Binibining B gaya rin ng si Binibining J ay si Binibining Josefina Bracken din.

2 Si Tonino ay si G. Antonio Lopez, bayaw niya.

3 Hanggang 7. Sina Antonino, Leoncio, Consuelo, Emilio at Ikang ay mga pamangkin niya, mga anak ni Donya Narcisa. Si Ikang ay si Angelica Lopez Rizal.


—560—