Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/57

Mula Wikisource
Napatunayan na ang pahinang ito



tanawin at ito'y isang gusaling bilog; pumasok ka at makakikita ka ng mga patay na kawal sa tabi ng isang kanyon, na ang anyo'y nilalik; pagkatapos ay darating ka sa isang pook at dito'y mamamalas sa lahat ng dako ang isang tunay na paglusob, may mga kawal na nagsusukò ng kanilang mga sandata, pagsasagupaan, at iba pa. Madaraya kayo ng lahat ng napapanood doon; aakalain ninyong ang kabayong iyon ay gumagalaw, ang patay sa dako roon ay kumikisay, ang usok ng dupong ay pumapailanlang, ang yelo ay nasa-malayong bundok, ang bala ng kanyon, ang lantaka; mga malalayong tumpahin, ang yelo, ang pinunong sumisigaw, kaya kami'y nagtalo kung ang lahat ito'y iginuhit o nilalik. Kung kayo'y naroroon ay hindi na kailangang gumamit ng kosmorama, kayo'y parang nasa gitna ng larangan ng labanan. Sa lahat ng dako'y isang malawak na kampamento at ang mga bata'y nag-aalok pa ng kanilang mga largabista upang makamalas na mabuti. — Umalis ako sa Marselya, sakay ng isang treng matulin, sa pang-unang klase, nang hapon ng ika-15; lahat ng treng umaalis sa Marselya patungong Barselona ay matutulin. Ang tiket ay napakamura at nagkakahalaga ng 12 piso at 3 peseta sa pang-unang klase; maglalakbay kayo na ang tulin ay buhat sa lima hanggang anim na legwa isang oras. Ang paglalakbay sa bapor ay halos gayon din ang bayad at hindi pa maginhawa. Napakatulin ang takbo namin na kapag nakakasalubong kami ng inga tren ay hindi kami makatingin sapagka't nakaliliyo. Ito'y kasindak-sindak na parang isang lintik, isang dambuhala, isang taing-bituin. Dumaan kami sa mga tunel o mga bundok, at ang isa'y napakahaba na sa kabila ng tulin ng aming takbo ay limang minuto pa, sa palagay ko, ang kinailangan upang mabagtas. Sa isang himpilan ay kinabahan ako nang gayon na lamang; ipinahayag na titigil ng 30 minuto. Bumaba ako dahil sa isang pangangailangan at pagka raan ng limang sandali ay napansin kong lumalakad na ang tren, tangay ang aking dala-dalahan at ang aking pera. Hinabol ko nang takbo, hindi ko inabutan; salamat at sinabi sa akin ng isang pulis na iyon daw ay babalik agad at ilalagay lamang sa ibang daang bakal. Buhat noon ay hindi na ako bumaba ng tren. Ang mga bayan at mga parang na dinaanan namin ay magagan da; bawa't dalì ng lupa'y binungkal na mabuti at natatamnan ng ubas at oliba, at ang mga bukid ay natatamnan ng trigo at se bada. Napakaraming tao sa Pransiya, kaya't ang mga bahay ay dikit-dikit halos hanggang sa dumating sa hangganan ng Espanya. Dinaanan namin ang mga sumusunod na baya't lungsod: Pasde-Gmur, Regisal, San Charmas, Miramas, Tarascon, la . . . Ai-


—31—