binurdahan, nalalatagan ng alpombra, atbp. Napilitan akong panatilihing laging nakapinid iyon dahil sa malabis na lamig na
nanunuot sa lahat ng panig. - Tumigil ako sa Marselya nang
dalawa't kalahating araw datapuwa't ako'y nainip sa pag-iisa sa
aking silid, sapagka't ako'y nahirati sa maraming tao. Marami sa
mga sakay ng bapor ang tumuloy sa otel. Nagpasiyal ako sa mga
maluluwang at malilinis na daang iyon, na nalalatagan ng bato,
gaya ng sa Maynila, punô ng tao at nakatatawag ako ng pansin
ng lahat. May ilang tumatawag sa aking insik, hapon,11 amerikano, at iba pa, datapuwa't walang tumawag sa akin ng pilipino!
Kahabag-habag na bansa, walang sinumang nakarinig ng tungkol
sa iyo! Ito ang bayang pinakamabikas at may magagarang bahay na nakita ko. Ang marami sa mga ito'y napapalamutihan
mga estatwa, mga haliging anyong babae at mga tangkay ng mga
bulaklak, ng mga espinghe, mga busto, at maraming iba pa; malalaki at kahanga-hanga dahil sa kasaganaan sa marmol at bubog
na marikit ang pagkakasalit-salit. Mapapansing walang sinumang
dumurungaw dahil sa maginaw; nag-iisa ako halos na matatanaw
sa balkon. Ang mga pintong bubog ng mga tindahan ay nakapinid upang huwag makapasok ang lamig, at noong una'y hindi
ako pumapasok sa mga iyon sapagka't akala ko'y ipinagbabawal
ang pagpasok. Halos lahat ng mga panindang nakatanghal sa
madla ay may halagang nakatakda sa tabi at mapapansing lahat
ay mura. Datapuwa't maraming taong naglisaw, mga nagtitinda ng mga bungang-kahoy, pahayagan, bulaklak, mga tindahan
ng halaan, talaba at hipon. Ang mga bangketa ng mga daan
sa Cannebiere ay kasinluwang ng isang karaniwang lansangan,
at kinamanghaan ko ang mga magagarang babalang yarì sa bubog na ang titik ay ginintuan, sapagka't wala nito sa Maynila;
pagpasok dito'y matatagpuan ang isang mabuting inuman ng kape. Napanood ko ang museo ng mga larawan; doo'y may napakagagandang larawan at mga estatwa; ang hardin ng mga hayop
na may mga león, oso, pantera, elepante, at isang kalabaw. Hindi
ko napanood ang maraming hayop, sapagka't ang hardin ay
malaki nang gayon na lamang at ako'y napagod. May isang sangay na kinaroroonan ng lahat ng uri ng unggoy sa daigdig; may
isang parang tao, na iniaabot ang kamay upang kumustahin ka.
Hindi nakaligtas sa aking pagkamausisa ang museo ng kasaysayan ng kalikasan. - Napanood ko rin ang isang magandang
_______________
21 Hindi kataka-takang si Rizal ay ipagkamali sa isang insik, hapón o iba pang mamamayan, nguni't hindi pilipino, sapagka't maging ngayon man, sa sikat ng araw ng dantaong XX at gayong ang Pilipinas ay nananagano na sa kanyang kalayaan at kasarinlan, ay hindi pa nakikilala ang kapamayanan ng pilipino sa maraming dako ng daigdig.