Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/557

Mula Wikisource
Nabasa at naiwasto na ang pahinang ito


maka-hayop at tungkol sa mga bagay na nadarama, hindi pakikibaka, sa kanila lamang: ito'y isang pakikibaka sa kanila, sa sarili mo na rin, sa mga mapusok na simbuyo nila, sa mga mapusok na simbuyo ng sarili sa mga kamalain, at sa mga pinagkakaabalahan. Ito'y isang pakikibakang walang katapusan, na may ngiti sa mga labi, may luha sa puso. Sa larangang ito ng pakikibaka, ang tao ay walang sandatang bubuti pa kaysa pang-unawa niya, wala siyang ibang lakas liban sa kanyang puso. Kung gayo'y patalasin, papaginganap, at ihasa ang pang-unawa. at papagtibayin at turuan ang pusò.

Sapat na ito para ngayon. Ninanais kong magkaroon ka ng maligayang pasko at isang mabuting bagong taon.

Ang amain mong nagmamahal sa iyo,

JOSE RIZAL






—531—