Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/555

Mula Wikisource
Nabasa at naiwasto na ang pahinang ito


matatangi dahil sa kapusukan ng mga kaisipan o ng pag-uugali niya, datapuwa't oo, siya'y magiging isang diwang mapagdili-dili, palaisip, makinis at mapagmatyag. Ito ang inaakala kong maihuhula, kung ang pagbabatayan ay ang hugis ng kanyang pagsulat. Datapuwa't maaaring mamali ako nang kalahati. Tangi sa rito'y magiliwin siya.

Maraming kumusta kay Senyora Neneng at ninanais kong matamo niya ang ganap na kalusugan sa daigdig na ito.

Maligayang Pasko at manigong Bagong Taon.

Ang bayaw mong nagmamahal sa iyo,

JOSE RIZAL






—529—