Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/551

Mula Wikisource
Nabasa at naiwasto na ang pahinang ito


185. Buhat kay Rizal para sa kanyang
kapatid na babaing si Josefa




Napakapalaaral ng wikang Ingles. — Inaanyayahan sa Dapitan. — "Ang

bahay namin ay nasa-pagitan ng nakahahalinang mga bundok."
—Isang tiket sa loteriya. — Isang punang pambalarila. —

Ninais makita ang ama niya.
Dapitan
Ika-26 ng Oktubre, 1893

BINIBINING JOSEFA RIZAL

Kalamba, Laguna

PINAKAMAMAHAL KONG KAPATID:


Tinanggap ko ang sulat mo, at totoong ikinagagalak kong mamalas na ikaw ay bihasa na sa wikang Ingles.

Ikatutuwa ko nang gayon na lamang kung kayong lahat ay paririto; dito'y hindi maalinsangang gaya riyan; ang bahay namin ay maliit datapuwa't malaki ang bakuran at natatayo sa pagitan ng mga nakahahalinang bundok.

Tatanggap ka buhat sa insik na si Pedro Cuesta ng 20 piso. Ibili mo ang 10 piso nito ng isang tiket sa loteriya, at ang nalalabing 10 piso ay para sa iba't ibang bagay na ipina bibili ko sa sulat ko sa bayaw na si Maneng.

Ang 50 pisong ipadadala ko sana sa iyo ay hindi mo na tatanggapin marahil sa dahilang ginugol ko na.

Ipakikumusta mo si Don Pepe.

Ipahintulot mong tawagin ko ang iyong pansin sa isang

salitang Ingles na isinulat mo nang mali. They are (sila ay);

—525—