sukdang kaunti ang kinikita. - Walang kinasasabikan kundi ang
kaanak at mga aklat niya. - Mga kaloob na tapayan ng
pahò Huwag magpakapagod nang labis ang kan-
yang kapatid na babae at maka-alaala rin sa
kanya. - May bunga ang kanyang
Ika-5 ng Abril, 1893
GINOONG MANUEL T. HIDALGO
MINAMAHAL KONG BAYAW NA MANENG:
Tinanggap ko ang sulat mo at natanto kong may pagdaramdam na ang pukot ay hindi makararating dito. Halos mamabutihin ko ang ginawa mong hindi pagpapadala niyon, sa dahilang, yamang wala akong kasamá, at ako'y nag-iisa na, hindi ko malalamang pangasiwaan iyon. Kaya sakaling hindi mo pa naipapadala, ay huwag mo nang ipadala sa akin.
Binabati kita dahil sa tagumpay ni Alfredo, harinawang matulad ang lahat sa kanya! Sabihin mong siya'y binabati ko nang buong puso.
Sabihin mo kay Ginoong Paciano na nais ko sanang sumulat sa kanya, nguni't dahil sa wala akong masasabing hindi niya nalalaman, ay hindi ako sumusulat ngayon.
Dito'y patuloy akong malusog; hindi totoong maalinsangang gaya diyan, at kumikita ako bagaman kakaunti upang
makasapat sa pamumuhay. Wala akong pinanghihinayangan liban sa kaanak at mga aklat ko.