Inaanyayahan ang kanyang mga kapatid.- Ang singaw
ng panahon at ang murang kabuhayan doon. -
Ang pagtutubuang pangangalakal ng a-
baka. - Ang mga kasangkapa't mga
aklat niya. Ang magan-
dang bahay niyang
Ika-7 ng Marso, 1893
GINOONG MANUEL T. HIDALGO
MINAMAHAL KONG BAYAW NA MANENG:
Tinanggap ko ang dalawang sulat mo, nang ika-18 ng Pebrero at nang ika-4 ng Marso at totoong ikinagagalak kong nakarating diyan nang walang anumang sakuna ang mga nanggaling sa Holó.
Dinaramdam kong lubha na hindi dumating ang pukot sapagka't iyo'y inaantay namin dito, dahil sa kinakapos kami ng isdang makakain at nangingilin ang bayan bagaman laban sa kanyang kalooban. Iyon sana'y ipinadala mo na sa akin kahit na wala ang mga tao, sapagka't dito'y mayroon na akong kinasundong maghahagis niyon sa pamamalakaya, maghahayuma at magbibilad. Datapuwa't sa anu't anuman ay ipadadala mo iyon sa susunod na koreo.
Ikaw at si Ginang Neneng ay hinihintay namin dito. Tinitiyak ko sa iyong ang singaw ng panahon dito'y hindi maaaring lalo pang maging mabuti (kung aalagatain ang latitud ng