kapatid na babaing sina J. at T.
Ika-7 ng Marso, 1893
BINIBINING JOSEFA AT TRINIDAD RIZAL
MINAMAHAL KONG MGA KAPATID:
Tinanggap ko ang inyong magiliwing liham at ikinagagalak kong malaman na kayong lahat ay mabubuti, gaya rin ng ating ina, na ang buhay ay ingatan nawa ng Diyos.
Isinulat sa akin buhat sa Maynila na ninanais na raw ninyong umuwi. Mabuti iyon; dalhin ninyo ang mga kasangkapang ninanais ninyo, pati ng aking mga silyang Amerikano at ang mga kasangkapan sa silid-kainan². Ang mga aklat ko'y iwan ninyong nakakahon³ at maaari ninyong ipakilagak sa bahay ni Ginoong Basa o saan mang dako na tumatanggap ng mga lagak sa pamamagitan ng bayad sa buwan-buwan.
Dalhin ninyo ang lahat ng aking mga damit, pati ng aking mga sapatos, sapagka't ang mga iyo'y kinakailangan ko rito. Kayo'y makaparirito at dito na kayo tumira; ako'y may bahay na, at bagaman maliit ay maaaring palakhang unti-unti sakaling
______
1 Nangasa-Hongkong pa noon ang kanyang ina at mga kapatid na babae.
2 Ang mga upuang amerikanong binabanggit dito ay binubuo ng isang sofa, apat na silyon at labindalawang silya, na pawang yari sa kahoy na may koltson o nababalutan ng makapal na tersyopelo; ilan sa kanila'y naiingatan pa at makikita sa "Fuerza de Santiago," bagaman wala nang balot halos. Ang mga kasangkapan sa kainan ay binubuo ng isang aparador na lalagyan ng mga pinggan, isang mesang kakanan at mga silyang kahoy na may upuang solihiyang yantok; ang ilan din sa mga ito'y naiingatan pa at makikita sa "Fuerza de Santiago."
3 Ang kanyang mga aklat ay dinala rito sa Maynila matapos mamatay si Rizal, at pagkatapos ay ipinagbili sa Pamahalaan.