Kikilalanin ko ring utang na loob kung ihahanap mo ako ng dalawang tao o dalawang mag-aanak na taga-pasigan ng Kalamba na marunong mangisda; kung sila'y paririto, ay pagpa- palwalan ang bayad nila sa sasakyan. Bumayad sila ng pasahe para sa Sebu sa koreong darating, huwag nilang sabihin kung taga saan sila, at huwag ding sabihing sila'y paroroon sa Dapitan sapagka't pag daan dito'y paaahunin sila ng Gobernador. Buhat sa Maynila hanggang Sebu ang bayad sa sasakyan ay nagkakahalaga ng kulang pa sa kalahati ng buhat sa Maynila hanggang sa Dapitan at, bagay na kataka-taka, ang sasakyan ay dumaraan muna sa Dapitan.
Pasasalamatan din kita kung isusulat mo sa akin ang inyong mga napakipagkasunduan sa mga mangingisda, upang malaman namin dito kung paano kami makikipag-ayos sa kanila. Bibigyan sila ng tirahan at ng lahat ng kinakailangan para sa pagkain. Inaakala kong ito'y magiging isang mabuting hanap- buhay.
Tungkol sa ibabayad sa lambat, ikaw na ang bahalang humingi sa ating ama na pinaglagakan ko ng isang halaga.
Ipakisabi mo rin sa ating ama o kay Antonino (kahit na kanino sa kanilang dalawa) na kung ang kuwalta ko ay hindi pa nagagamit, ay padalhan ako ng limang daang piso (P500), na ibibigay nila sa Propesor na punong parì ng mga Hesuwita sa Maynila, sa dahilang dito'y binabalak kong harapin ang pag- ng abaka. Kung walang pera, ay "pasiyensiya."
Maraming kumusta sa minamahal na Senyora Neneng mga halik sa mga bata; ninanais ko sanang kayo'y makita ko rito.
Sumasaiyo,
- RIZAL..
Makaparito sana sina Policarpio at Eugenio, kasama ng mga kaanak nila, kahit na ako ang magbayad ng kanilang mga utang. Paalam.