na sakag ay nakahuhuli lamang ng maliliit na isda.
Ang isang malaking pukutan ay makahuhuli
ng maraming isda. Nagbilin ng
isang pukutan at dalawang
mangingisdang taga-Ka-
Ika-19 ng Enero, 1893
GINOONG MANUEL T. HIDALGO
MINAMAHAL KONG BAYAW NA MANENG:
Dito'y nakisamá ako sa isang kastila upang dalhan ng isda ang bayan, dahil sa kulang na kulang dito ng isda. May anim na libong kaluluwa rito sa Dapitan lamang at mga dalawa o tatlong libo pa sa dakong loob, at para sa gayong karaming tao ay wala kundi mga maliliit na sakag na ang nahuhuli ay maliliit na isda lamang at ang pinakamalalaki ay gaya ng talaisá. Sinabi sa akin ni Aquilino na ang isang pukutang gaya ng sa inyo ay maaaring makapagpasagana ng isda sa bayan, sa dahilang dito'y may mabuting pasigan at maraming isda sa dagat kahit na palaot lamang nang bahagya. Kung nais ninyong ipagbili sa akin ang inyong pukutan sa isang halagang pagkakasunduan, at kung nagagamit pang mabuti, ay bibilhin ko; kung hindi naman, ay pasasalamatan ko kung ako'y ibibili mo ng isang pukutang gaya ng sa iyo, mabuti, matibay, atbp. Dito'y walang marunong maghayuma ng mga sirang mata ng lambat.