mga magulang at mga kapatid
Ika-14 ng Hulyo, 1892
GINANG TEODORA ALONSO
Rednaxela Terrace 2
Hongkong
MINAMAHAL KONG MGA MAGULANG
AT MGA KAPATID:
Mamayang gabi o bukas ay tutungo ako sa Dapitan, na siyang pinagtapunan sa akin.' Masaya akong tutungo roon, sa dahilang napag-alaman kong kayo'y pinagkalooban ng kalayaan ng Heneral² at sapagka't naniniwala akong saan mang dako ako maparoon ay lagi akong nasa-kamay ng Diyos, na siyang nagtatadhana ng kapalaran ng tao.
Sa walong araw na itinigil ko rito sa Kuta ni Santiago,³ ay pinakitunguhan akong mabuti at wala akong maidaraing tungkol sa bagay na ito, liban sa pagkawala ng kalayaan. Datapuwa't
1 Dahil sa mga paratang na hindi napatunayan sa alin mang paglilitis, si Rizal ay dinakip nang ika-5 ng Hulyo, pagkaraan ng ilang araw ng kanyang pagdating sa Pilipinas, at siya'y pinarusahang ipatapon nang walang anumang pagsisiyasat, at dahil dito'y isinakay siyang patungo sa Dapitan, Mindanaw, nang unang oras ng madaling-araw ng ika-17 ng nasabing buwan.
2 Sa kahilingan ni Rizal, at sa loob ng panahong nakikipanayam siya kay Heneral Despujol ay nangako itong pagkakalooban ng patawad ang kanyang ama at mga kapatid.
3 Ang Kuta ni Santiago (Fuerza de Santiago) ay ginawa noong una upang maging tanggulan laban sa mga maliliit na paglusob na nagbubuhat sa labas, at iyo'y itinayo o ginawa sa pamamagitan ng siyam na libong pisong bigay ng mga "encomendero" at ng mga tubo sa Kapuluan. Sa panahon ni Heneral Gomez Perez Dasmariñas ay ipinasiyang gawing lalong matibay at ang kuta'y ginawang bato, sa ilalim ng pamamatnugot ng inhinyerong si G. Leonardo Iturriano. Ang muog na itong nasa Hilagang-Kanluran ng nakukutaang siyudad, ay ginawa, pagkatapos, na bilangguan ng Pamahalaan, na siyang kinápitáng
makalawa ni Rizal hanggang sa siya'y patayin nang 1896.