Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/502

Mula Wikisource
Nabasa at naiwasto na ang pahinang ito


161. Buhat kay Rizal para sa mga magulang,
mga kapatid at mga kaibigan niya




"Masaya akong yayao upang ilantad ang sarili sa panganib, upang

putungan ang aking ginawa at saksihan ng aking halimbawa ang
lagi kong ipinangangaral." —"Ang tao'y nararapat human-
dang mamatay alang-alang sa tungkulin at mga pananalig
niya. — "Pinaninindigan ko ang mga kaisipan ko at
ipinagtatanggol ang layunin ng aking bayang
tinubuan at ako'y masayang mamamatay

alang-alang sa kanya."
Hongkong,
Ika-20 ng Hunyo, 1892


SA AKING MINAMAHAL NA MAGULANG, MGA


KAPATID AT MGA KAIBIGAN:

Ang pagmamahal na lagi ko nang sinimpan at iniukol sa inyo ang nag-atas" sa aking gawin ang hakbang na ito, na tanging ang panahong hinaharap lamang ang makapagpapasiya kung matuwid o hindi. Ang tagumpay ay siyang humahatol sa mga bagay-bagay, ayon sa kinalalabasan; nguni't maging sang-ayon o salungat ang pasiya, ay lagi nang masasabing ang nag-utos sa akin ay ang aking tungkulin, at walang kabuluhan kung ikamatay ko man ang pagtupad ko sa kanya.

Batid kong pinapagtiis ko kayo ng marami nguni't hindi ko pinagsisisihan ang aking ginawa, at kung ako lamang ay magsisimula uli ngayon, ay muli kong gagawin ang gaya ng aking ginawa, sapagka't iyon ang aking tungkulin. Masaya akong yayao upang ilantad sa panganib ang aking sarili; hindi bilang pantubos sa aking mga kamalian (na sa bagay na ito'y

hindi ako naniniwalang nakagawa ng anuman), kundi upang

—476—