pinatawad dahil sa kaarawan ng kapanganakan ng Gobernador
Ieneral. — Sa ngayon ay hindi mabibili ang matandang bahay
ng mag-aanak na Rizal. — Ang kaarawan ng Gobernador
"Heneral ay buong dingal na ipinagdiwang... Paroro-
Ika-17 ng Marso, 1892
GINOONG JOSE RIZAL
[Hongkong]
MINAMAHAL KONG BAYAW NA JOSE:
Tinanggap ko ang sulat mo nang ika-10 ng kasalukuyan at totoong ikinagalak kong malaman na kayong lahat ay mabuti at walang sakit. Kami rito'y mabuti rin, [bagaman] lagi nang nangangamba.
Sa 17 ipinatapon sa Holó ay 13 ang pinatawad, at maaaring dumating sila hanggang sa ika-4 ng buwang papasok; ang mga natira ay sina Matias Belarmino, Aquilino Gualia, Patricio Rizal at isa sa mga magkapatid na Casio o Narciso I abacon, sa dahilang hindi tinitiyak na mabuti sa Gaseta Opisyal kung sino sa kanila ang pinatawad, at ang nababasa roon ay ang ngalan ni Casio na may apelyidong Narciso. Ngayo'y hindi ko pa nalalaman kung ano't pinatawad din ang mga iba.
Tungkol sa pagbibili ng bahay natin sa Kalamba, ay tila hindi magagawa sa ngayon, sapagka't ang kaisa-isang makabibili niyon ay si Eusebio. Inaakala kong aayaw ito, sapagka't ang
salapi niya, ayon sa balita, ay ibinili ng mga lupa sa Kalamba,