Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/491

Mula Wikisource
Nabasa at naiwasto na ang pahinang ito


156. Buhat kay Saturnina Rizal para sa
kanyang kapatid na si Jose




Kapag natapos ang mga paniningil at ang pagsisikap sa ilang gawain,

siya ay tutungo rin sa Hongkong upang makasama ng kaanak.

— Pinalaya na si Silvestre na dumalaw sa kanila.


Marso, 1892


GINOONG JOSE RIZAL
Hongkong


MINAMAHAL KONG KAPATID:

Tinanggap ko ang huling sulat mo nang ika-27 ng buwang nagdaan.

Minamadali namin ang paniningil sa mga may-utang at ang pagganap sa ilang gawaing matatapos sa loob ng madaling panahon upang kami'y makapariyan at makasama ninyo. Nang ling gong ito'y pumarito si Maria upang dumalaw sa amin, at sinabi sa aming si Isidro, na utusan ng ating mga magulang, ay paririyan sa ikalawang paglalakbay ng "Don Juan."

Dito'y mabuti kami; mga kumusta kay Paciano at sa mga kapatid na babae, at humahalik kami ng kamay sa ating mga magulang. Makaitlo na kaming dinalaw ni Silvestre at malaya siyang nakapaglilibot araw at gabi.

Ang iyong kapatid na babaing nagmamahal sa iyo nang malaki,


SATURNINA
—465—