Napatunayan na ang pahinang ito
Bendisyunan ninyo ang inyong anak na kailanma'y hindi nakalilimot sa inyo.
- RIZAL.
Habol: Ipakisabi ninyo sa mga kapatid kong babae na ikalulugod kong makatanggap ng sulat nila, gayon din sa mga bayaw ko.
Kumusta sa kanilang lahat, gayon din sa mga kaibigan
at kakilala riyan at ipagpaumanhin nila ang hindi ko pagsulat
sa kanila ngayon; kapag ako'y nasa-Barselona na ay magsasawa
sila sa akin. Ninanais kong magsalita ng Tagalog. May isang
buwan nang hindi ako nakapagsasalita ni isang kataga nito.
Natututo ako ng Pranses.