kapatid na si Maria
hirap sa buhay na ito at sa kabilang buhay ay magkakamit ka
ng kaligayahan at katuwaan... Maikli ang buhay,
at madaling lumipas ang mga hirap. . .
Tiisin mo ang lahat alang-alang sa
ngalan mong Rizal at sa
iyong mga a-
nak..." Mga
Ika-28 ng Disyembre, 1891
GINANG MARIA RIZAL,
- [Pilipinas]
PINAKAMAMAHAL KONG KAPATID:
Dumating na rito silá at natanto ko ang lahat ng nang yari sa iyo.
Malaki sana ang nasà kong ikaw ay makitá, nguni't sa balita sa akin, may tatlo ka nang anak, ay tila akó ang paririyan. Magtiistiis ka na muna nang hirap dito sa lupa, at maaasahan mong sa isang buhay ay ligaya na laang at tuwa ang iyong kakamtan. Ang buhay natin ay maikli, at ang hirap dito'y madaling lumipas. Tiisin mo nang lahat alang-alang sa ngalan mong Rizal at sa iyong mga anak.
Ang balita sa akin ay ang mga anák mo raw ay totoong magaganda at matatalino. Kahimanawari'y kaawaan din kayo ng Diyos na mag-iina, kapag may kalungkutan ay may kasayahan.