Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/476

Mula Wikisource
Nabasa at naiwasto na ang pahinang ito


149. Buhat kay Narcisa Rizal para
kay Jose R. Mercado*




Ang mga kasulatan na hinihingi ni Rizal. Walang nakitang sulat ni

L. Tumungo sa Mindoro upang dumalaw sa asawa at ka-
patid na lalaking ipinatapon. Pagkamatay ng dala-
wang anak niya. - Alam ng Nanay ang ka-
pahamakan ng tahanan. Mga

kumusta!
Maynila
Ika-27 ng Disyembre, 1891


GINOONG JOSE R. MERCADO.


MINAMAHAL KONG KAPATID:

Calaquip nitó ang ilang mga papeles mo na aquing nacuha nang aco'y dumating sa Calamba: ang sulat mo'y hindi co capagcaracang nasagot at nang tanggapin co'y nagcataong aco'y na sa Calapan na dinalao co si Antonino, ang ating capatid, at iba pang casama; datapua't nang aco'y dumating sa Calamba ay inusig co ang mga papeles na iyong ipinagbilin sa quinadedepositohan tao, ay ang sabi sa aquin ay uala cundi ang calaquip nitó; caya narito na tatangapin mo. Ang mga sulat ni L. na bilin mong aquing ipadala, ay uala acong naquita isaman at hindi malaman cung saan naroroon; caya ipinatatalastas co sa iyo.

Inuulit co ang dico pagcasagot sa capanahonan ng sulat mo, na inaasahan cong didispensahin mo, at ang nangyari bucod sa hindi co naquita ang mga sulat na bilin mong ipadala co cay L., ay nang dumating aco sa atin sa Calamba ay dinat-


Padron:* Ang orihinal nito ay nasa-tagalog, kaya't hindi namin binago ang pagkakasulat.

—450—