Hidalgo para kay Rizal
bayad para sa manananggol na tumangkilik sa mga may-ari ng
lupa. Ang kapangyarihan para sa pagsasakdal laban sa mga
nararapat managot sa pagkakapatapon sa kanya o para sa
paglilitis ng pagkakapamahala ni Weyler. "Tungkol
sa pamamayan sa Borneo, ikaw ang magpapasi-
ya." "Tutungo ba tayo sa ibang bayan nga-
yong hindi pa nauubos ang lahat ng
mga kaparaanan sa ikabubuti ng
bansa?" -Kung gayo'y ano ang
kabuluhan ng napakara-
ming pagpapaka-
MINAMAHAL KONG PEPE:
Tinanggap ko ang sulat mo ng ika-9.
Inilalakip ko ang sulat na sinulat ko para sa Reyna, sa kapahintulutan ni Nanay: ipakipadala mo ito sa kauna-unahang pagkakataon; kailangang iabot sa Reyna na nga at sa tagapangasiwa ng Palasyo gaya ng kinaugalian.
Ang pahirong ipinadala ko sa iyo ay galing sa 31 taga-Kalamba, at ang halaga niyon ay inilalaan ng mga ito sa bayad sa prokurador at sa manananggol na si Ginoong Gumersindo de Azcarate sa usapin laban sa mga Dominiko, na ngayo'y ililipat sa Kataas-taasang Hukuman. Sa dahilang iniukol mo ang halagang iyon sa ibang bagay, ay tingnan natin kung paano [. . . .]
Ang sinasabi mong sulat ni Fernando Fe tungkol sa mga aklat na ipinagbilin ko sa iyo, ay hindi ko natatanggap. Hu-