Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/463

Mula Wikisource
Nabasa at naiwasto na ang pahinang ito


114. Buhat kay Narcisa Rizal Para sa
kanyang kapatid na si Rizal




Sa wakas, ang pagpapaalis. Ang mga sawimpalad na kababayan

ni Rizal ay ipinagtabuyan sa lansangan. Sinamsam ang kanilang
mga lupa, tahanan, mga hayop, at mga ani ng asukal, bigas at iba
pang bunga ng paggawa nila. - Mahigit sa tatlong daang mag-
aanak ang pinarusahan, ang buong bayan halos. -Kahit na ang
mga batang lalaki at babae na may labindalawang taong gu-
lang ay dapat kumuha ng sedulang nagkakahalaga ng
apat na sikapat. Nalagasan ng dalawang ngipin ang
isang tagapag-alaga ng mga hayop nang ito'y hampa-
sin ng guwardiya sibil ng puno ng baril sa bibig.
-Yumayao ang Kalamba: ang larawan ng gutom
at ng kamatayan. - Ang mga inuusig ay hu-
mihingi ng katarungan sa Kataas-taasang

Hukuman.


Kalamba
Ika-10 ng Marso, 1891


GINOONG JOSE RIZAL.


MINAMAHAL KONG KAPATID:

Ako'y sumusulat upang maibalita nang buong liwanag ang lahat ng mga pangyayaring naganap sa loob ng dalawang bu wang nakaraan, Enero at Pebrero, yamang hindi ka pa nakata tanggap ng anumang balita tungkol sa ating mga kababayang pinaalis at sinamsaman ng lahat ng kanilang mga lupa, tahanan, mga hayop at mga ani ng asukal, bigas at ng iba pang bunga ng kanilang paggawa. Ang mga nagtitiis ng ganitong mga pagduhagi ay mahigit sa tatlong daang mag-aanak na pinalayas na, at hindi kabilang dito ang maliliit na mag-aanak na nakatira sa malalayong parang, at ang mga kasamá ng mga pinalayas na

panginoon. Ang ilan ay nakatira sa lilim ng ilang punong-

—437—