para kay Rizal
— Si Soledad Rizal ay nag-asawa. — Mga payo
Ika-10 ng Nobyembre, 1890
GINOONG JOSE RIZAL
MINAMAHAL NA JOSE:
Tinanggap ko ang nakalulugod na sulat mo ng ika-6 ng Hunyong nakaraan, at hindi ko nasagot agad dahil sa napakaraming bagay na hinaharap ko, lalo na sa mga walang tigil na sama ng loob.
Pinasasalamatan ko ang pagmamalasakit mo kay Pepito, nguni't hindi sakit ang namalas mo sa liig; iyon ay kakulangan ng dilim at ito'y kasalanan ng larawan o ng kumuha ng larawan; sapagka't si Pepito, salamat sa Diyos, ay mabuti, ngayo'y masipag na mag-aral at sinasabing isa na siya sa mga may kara ngalan sa mataas na klase.
Madalas pumarito ang iyong mga kapatid na babae at ang kapatid mong si Trining ay tumira rito sa akin ng 18 araw noong buwang nakaraan, palibhasa'y nakipamista siya sa Santa Krus at Binundok. Ipinalalagay kong natatanto mo na ang mga masasaklap na balitang ipinadala sa iyo ng mga kahabaghabag na ito, kaya kalabisan nang ibalita ko pa uli sa iyo.
Ang tiyo mong si Antonio Rivera ay naririto sa bahay na itong iyo ring bahay, may 20 o 22 araw na; nag-iisa siyang du-