kapatid na si Rizal
at kababayan. — Pati ang mga babae ay nagpapadala ng tulong
kay Rizal dahil sa gawain nitong pagpapalaganap. — Hindi
magiging isang gawang matino ang pag-uwi ni Ri-
zal. Sasawiin siya ng mga pag-uusig. Ang
malaking kahalagahan niya sa Europa.
— Nakasisiyang balita tungkol
Ika-17 ng Oktubre, 1890
GINOONG JOSE RIZAL:
MINAMAHAL KONG KAPATID:
Kalakip nito ang isang pahiro sa halagang apat na raang piso; ang dalawang daang piso ay ipinadadala sa iyo nina An tonino at Dandoy, at sa dalawang daang natitira ay sandaan ang galing kay Nicolas Llamas at ang sandaan pa ay abuloy ng mga kababayang babae, na kinabibilangan ng mga dalaga, mga may-asawa at matatanda. Ang mga ito'y magpapadala sana sa iyo ng lalong malaking halaga kung sila'y may higit na maraming salapi ngayon, datapuwa't sa kasamaang-palad ay mahirap ang pera sa panahong ito. Titingnan natin kung sa mga buwan ng Enero o Pebrero ay makapagpapadala sila ng lalong malaking halaga.
Wala ng iba; kami nina Senyora Neneng, Pangoy, Trining at ako ay nasa-Maynila dahil sa pagpapadalang ito ng kuwalta. Si Tiyo Antonio ay dumating kahapon at ibinalita niyang si Nonong daw ay napakataba at napakaganda,