Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/456

Mula Wikisource
Nabasa at naiwasto na ang pahinang ito


141. Buhat kay Manuel T. Hidalgo para kay Rizal




Ipinapayo sa kanyang huwag umuwi sapagka't ang kaanak ay masugid

na pinag-uusig at isinusulit ang isang tandang pagkaka-

kilalanan ng katiningan ng loob ng kanyang ama.
Maynila
Setyembre, 1890


GINOONG JOSE RIZAL:

Tungkol kina Paciano, Antonino, Ubaldo, Dandoy at Teong, ay ipinadadala ko sa iyong kalakip nito ang sipi ng lahat-lahat ng sinulat laban sa kanila, na ibinigay sa akin ng isa sa mga kawani ng Pamahalaan; hindi nagkaroon ng anumang suplong. Sumulat sa akin buhat sa Kalapan, pangulong bayan ng Mindoro, na siyang pinagtapunan sa kanila, na sila raw ay mabubuti at walang anumang kapansanan, umuupa ng isang bahay na may mga kasangkapan sa halagang 7 piso isang buwan, at sinasabing doon ay napakalungkot daw; ang mga paligid-ligid, ay kagubatan at dagat; para sa akin ay totoong matulain iyon, datapuwa't yamang sila'y wala sa kalagayang kumadlo ng salamisim, ay gayon din ang aking sinasabi.

Huwag kang paririto, kami'y lubhang pinag-uusig niyang kagawaran at nitong Heneral na ito; ang Diyos lamang ang nakaalam kung saan kami hahantong gayunman ay hindi kami kinakapos ng tapang, ang lahat nang iyan ay hindi nakapanghihilakbot sa amin, mangyari na ang mangyayari, hindi kami gumagawa ng anumang masamâ, ang aming pakay ay ang kabutihan ng bayan at Pamahalaan, nananalig kami sa

Diyos. Datapuwa't ikaw, na malayo sa mga pag-uusig na ito,

—430—