kanyang kapatid na si Rizal*
Kalamba ay ipinatapon sa Mindoro. Nahihirati na sa sakit ng
pagkakawalay alang-alang sa mithiing nauukol sa bayang
tinubuan. - Kaguluhan sa paglilibing ng isang
bangkay. Pananabik sa pagbasa ng ika-
Ika-6 ng Setyembre, 1890
GINOONG JOSE RIZAL.
MINAMAHAL KONG KAPATID:
Tinanggap ko ang pinakamumutia kong sulat mo fecha 11 ng Julio. Bagamat hule na, ibinabalita ko rin sa iyo ang nangyare kay na tatay na pinaalis sa ating bahay at yan dao ay desahucio y lanzamiento. Si Paciano, Antonino, Dandoy, Silvestre, Teong ay ipinalacad sa Mindoro ngayong hapon las cuatro y media; kami ni Sisa ang humatid; hinde kami umalis sa muelle hangang sa di tumulac ang vapor "Brutus" na kanila sinacyan. Silang lima ay masasaya; kami naman ay hindi nalumbay na paris niong unang lumacad si Maneng ngayon ay nabibihasa na ako, lalo at cung maalaala cong ang mga nangyayareng ito ay sa kagaliñgan ng lahat ako'y sangayon sa sabi mong putoc kong putoc. Si na tatay ay sa bahay ni Narcisa tumitira.
Si Amelia ay namatay ng Mayo, 88, naisulat ko na sa iyo na nagkagulo pa, sapagkat ayao nilang ipapasoc ng Simbahan,
Padron:* Ang orihinal nito ay nasa-tagalog, kaya't hindi namin binago ang pagkakasulat.