Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/452

Mula Wikisource
Nabasa at naiwasto na ang pahinang ito


139. Buhat kay Madude (Rizal) para sa
kanyang mga kapatid




Mga pagpapatapon, mga panlilinlang at mga pananamsam ng Pama-

halaan. Sa pamamagitan ng mga pag-uusig na ito'y pinanati-
ling gising ng Tadhana ang diwang bayan. Tinu-
turuan tayong humamak sa panganib at ma-

poot sa paghahari-harian.


Madrid,
Ika-20 ng Agosto, 1890


Si Retana, sa aklat niyang "Ang Buhay at mga Sinulat ni Dr. Rizal," panig 355, ay bumabanggit sa isang liham ni Rizal ng ika-20 ng Agosto, 1890, na natuklasan niya at hindi nakikilala halos ng mga Pilipinong palaaral ng tungkol kay Rizal at ipinadala sa mga "Minamahal kong mga kapatid." Sa sulat na ito, pagkatapos na maipagbigay-alam sa kanilang hindi niya nakausap ang Kagawad-Bansa ng Pagpapatawad at Katarungan hinggil sa isang suplong na pampamahalaan na iniharap laban sa ilang katao, at pagkatapos na tukuyin ang kabaliwang mapang-usig na sa panahong iyon ay siyang sakit ng pamahalaang maka-prayle sa Pilipinas, ay winakasan niya ang sulat sa ganitong talataan:

Padron:...Padron:...

"Kung ang mga maykapangyarihan [sa Pilipinas] ay mga mulat, disin ay hindi magkakaroon ng mga lilong suplong na pampamahalaan, ni ng mga panlilinlang ni ng mga kaimbihan. Nakikita ko sa mga pagpapatapong ito sa malalayong pook ng mga taong mulat, ang Tadhana na nagnanais panatilihing gising ang diwa ng mga bayan, na huwag silang mahimbing sa isang katiwasayang walang pag-unlad, hiratihin

ang bayan sa hindi pagkasindak sa mga panganib, mapoot

—426—