Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/448

Mula Wikisource
Nabasa at naiwasto na ang pahinang ito


138. Buhat kay S. Ubaldo para kay Rizal




Ang "kapangyarihan" ng kanyang kapatid na lalaking si Paciano at mga

liham ng mag-aanak. Ang kulang-palad na pangyayari na may
kinalaman sa Asyenda ng mga prayle. - Ang mga mara-
wal na gawa ng gobernador na kastila ng Laguna.
Pagbabala, pamimilit at pagtatangka ng

pagbibilanggo.


Santa Krus, Maynila
Ika-11 ng Agosto, 1890


GINOONG JOSE RIZAL


MINAMAHAL KONG JOSE:

Kalakip nito ang kapangyarihang ginawa ni Paciano at ang sulat niya, at sa tulong ng dalawang liham na ito ay mababatid mo ang kulang-palad na pangyayaring naganap dito kamakailan lamang, na may kinalaman sa Asyenda ng mga prayle. Noong ika-6 ng buwang kasalukuyan, mag-iika-9 ng gabi, si Juan Mompeón, na siyang Gobernador sa lalawigan, ay naparoon sa bahay ni Eusebio Elefaño, Kapitan ng Kalamba, at ipinasundo kami nina Antonino, Leandro, Lucia, Matias B., Luis Habeña, Marcos Elasegui, Mateo Elejorde, Luis Elasegui at maraming iba pa. Mga 19 o 20 kaming lahat, at sa walang kaanu-anumang paliwanag na pambungad ay sinabi sa aming gumawa siya ng isang madalian at di-karaniwang pagparito sa bayan alang-alang sa ikabubuti ng bayan na rin; na siya raw ay walang kikilingang sinuman kundi yaong nasa-kanyang karapatan. Dahil dito, kami'y kailangang makipagkasundo sa mga Dominiko sapagka't kung hindi gayon ang gagawin namin, ay tutuparin niya nang buong higpit ang kanyang tungkulin

bilang Gobernador, at magiging malungkot at kahapis-hapis nang

—422—