Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/439

Mula Wikisource
Nabasa at naiwasto na ang pahinang ito


133. Buhat kay Saturnina para sa
kanyang kapatid na si Rizal




Ipinatapon uli ang bayaw ni Rizal. Dinakip

siya nang araw ng pasko saman-
talang kumakaing kasalo ng

kaanak niya.
Maynila
Ika-2 ng Hunyo, 1890


GINOONG JOSE RIZAL.


MINAMAHAL KONG KAPATID:

Malaking lubha marahil ang tampó ng loob mo ng diko pag sulat sa iyo, datapua't huag mong isaloob na ito ay sa pag limot ko, talastas mo ang pagmamahal co sa iyo.

Noong isang taón na unang ma tapon si Maneng, su- mulat akong macalaua sa iyo at ng mamatay si Amelia na anac ko, ay hindi mo ako guinanti ni minsan man lamang, buhat noon, ay hindi na ako nacasulat, ayon sa caguluhan ng ulo; ako ang namamahala sa lahat naming pagkabuhay at mga bata; buhat ngayon ay palagui ka ñg tatanggap ng sulat ko.

Naalaman mo na sa mga sulat ni Maneng na sia'y uling pinaalis ng General. Akó na naman ang namamahala ñg aming ari arian; nagpapapihit sa lupa sa Mainit at Tanauan sapagka't Diciembre pa ng paalisin dine, mismong arao ng pasco, na cami'y nanananghale na, caya icao na ang bahalang makialam ng matapos na madali ng ligalig na ito.

Ako'y narine sa Maynila at gagamutin aco ni Zamora diumano'y namamaga rao ang aquing bahay tao at uala dao sa lugar, marume dao; pero hindi co na nararamdaman ang

—413—