kapatid na si Rizal*
ni Choleng kay Quintero.
Ika-30 ng Mayo, 1890
MINAMAHAL KONG KAPATID:
Malaon ng totoo na nag nasang sumulat sa iyo at mag buhat pa ng ako'i lumabas sa Colegio ay meron ng dalauang taon isang buan at kalahati. Nabasa ko ang sulat mo sa atin kapatid na Paciano at itinatanong mo kung ano ang aming tayo ni Sra. Pango'i ay mabuti sa aua ñg Pañginoon Dios at kami ay nabubuha'i na tahimic at kung gabi kame ay pinakakaen at doon natutulog sa atin kapatid na Lucia at malimit ka namin ma pag usapan kahit saan kami puma paroon mga katuaan kaparis ng pagpaligo sa Pansol at noon cumpleaños ng minamahal at iguina galang nating Amá ay aming ipinag diuang datapua't hindi malubos ang katuaan at ikau din ang kulang dine sa amin. ¿Kailan ka uue? ibig ko naman malaman kung ano ang tayó mo dian. ¿Hindi baga ibinabalita sa iyo ni Tia Concha na si Choleng ay nag asaua na cay Quintero? datapua't hindi kagustuhan ng atin magulang, dahilan sila'i nag tatanong ng ipagbibilen ko dau sa sulat nila sa iyo. Ibina balita kong muli sa iyo na kaming lahat ay mabute at ualang nagkaka saquit ang atin pinaka mamahal na kapatid na Paciano ay hindi na titiguel dito sa atin bahay at palaguí ñg na sa Santa Cruz halos
Padron:* Ang orihinal nito ay nasa-tagalog, kaya't hindi namin binago ang pagkakasulat.