kapatid na si Rizal*
Ika-30 ng Mayo, 1890
GINOONG JOSE RIZAL.
MINAMAHAL KONG KAPATID:
Laong panahon na aming ninanais na ikaw ay sulatan, ay ang una una'i ang ñgyayari ay sasabihin ko na ang katotohanan sapagka't, minamapait ng iyong kalooban, ang kasinuñgaliñgan: lay! ang nag dadala sa amin ay ang malaking katamaran sa pag hauak ng pluma at ang ikalaua'i nalalaman mo na at hindi kaila sa iyo ang ka salatan ng aming mga isip. Bagama't, hindi mo kailangan maalaman, ay ibabalita ko rin sa iyo na ako'i isinama ni Sra. N. sa Lipa, noong taong nag daan buan ng Enero: doon ako natira sa bahay ng iyong kaibigan na si M. C. at totoong mabuti ang pag-ka tangap sa amin doon. Kung sakalit totoong mabigat ang loob mo sa amin dahilan sa hindi namin pag sulat sa iyo, ay ikaw na ang bahalang mag patawad sa mga kapus namin kaisipan.
Ang mai babalita sa iyo ng tunkol sa ating familia, ay narito sa sulat ni T. sapagka't nauna siang gumaua ng borrador kay sa akin. Maraming kumusta sa iyo at ninanasa nitong iyong kapatid ang lahat ng kagaliñgan tunkol sa iyong katauan at nagiintay pag utusan sa boong makakaya itong mag-pa kailan paman hindi lumilimot na T. H.
Padron:* Ang orihinal nito ay nasa-tagalog, kaya't hindi namin binago ang pagkakasulat.