para kay Rizal
ma'y hindi nangyayaring pagdating ni Rizal.
Ika-30 ng Mayo, 1890
GINOONG JOSE RIZAL.
PINAGPIPITAGANAN AT MINAMAHAL KONG AMÁIN:
Bagaman hindi pa namin natatanggap ang sagot ninyo sa aming sulat, ay muli akong lumiliham sa inyo. Mahigit nang isang taong ako'y nagsasadya sa bahay ni Tiya Choleng upang matuto ng mga unang aralin; at sapul nang siya'y mag-asawa, ay hindi na ako pumaroon sa dahilang ang lahat ng nasa-bahay ay ayaw na ako'y lumapit pa sa kanya; datapuwa't binabalak kong ipagpatuloy ang pag-aaral ko upang maragdagan ang kaunting natutuhan ko sa bahay ni Tiya Choleng. Kaya, ipinamanhik ko sa aking mga magulang na ako'y ipasok sa isang kolehiyo, nguni't hangga ngayo'y hindi ko pa nalalaman ang pasiya nila, kung ako baga'y pauunlakan o hindi.
Ibinabalita ko sa inyong ang ina ko'y nagkasakit noong buwan ng Marso at naglubha; salamat sa Diyos at siya'y magaling na, nguni't payat pa nang kaunti hanggang ngayon. Napakabubuti sina ingkong at impo at ako'y lagi nilang binibiro. Sinasabi sa aking uuwi na raw kayo sa loob ng napakadaling panahon at ipinagagayak na mabuti sa akin ang bahay para sa inyong pag-uwi. Paminsan-minsa'y naniniwala ako sa kanila; kahimanawari, mahal na amain, ay makauwi kayo agad upang tayo'y makapagliwaliw at makapaligo sa Pansol, at makasama