Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/432

Mula Wikisource
Nabasa at naiwasto na ang pahinang ito


129. Buhat kay Lucia para sa kanyang
kapatid na si Rizal*




Mga balita tungkol sa mag-aanak.
Mga pagmamalabis ng mga uldog.
Kalamba,
Ika-30 ng Mayo 1890


GINOONG JOSE RIZAL:


MINAMAHAL KONG KAPATID:

Dispensahin mo ang hindi co pagca sagot sa iyong sulat, segurong mapag cucuro mo na ang aking kabuhayan.

Mag mula ng mamatay si Marianito, halos ualang pagitan ang dumarating sa aking hanggang ngayon ang icadaragdag ng kong cadalamhatían. Capag ang aking pag iisip ay naramda- man cong ibig ng sumuco sa pag aala-ala dini sa amin kabu- hayan, ay uala akong naguiguing gamót kundi basahin co ang yong sulat, na ito'i nag sisilving bálsamo sa akin cadali- taan. Cung icao sanay lalabisan ng panahon ay aalalahanin mo aco ng ilang letra.

Ngayon, ang aking ma ibabalita sa iyo'i ang lima mong pamangking, mabute at ualang mga sakit; si Delfina, si Con- cha at si Patrocinio ay nag sisipagaral na. Si Teodosio at si Estanislao ay pag cacamalan mo cung alin ang matanda, pa- rejo na ng taas, at malaque pa ang bata.

Mag babalita aco sa iyo ng tuncol dito sa ating bayan, segurong mag daramdam ang puso mo, dahil sa cabulagan ng


Padron:* Ang orihinal ng liham na ito ay nasusulat sa tagalog at hindi namin binago ang pagkakasulat.

—406—