Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/415

Mula Wikisource
Napatunayan na ang pahinang ito


ay isinakdal sa Hukuman ng Laguna dahil sa pagtatayo ng bagong bahay sa isang lupang hindi kanya, at hinihinging ipatigil ang paggawa at gayundin, ang paglansag o pagbuwag sa pagawaan, at sa katotohana'y pinigil nga ang pagpapagawa sa utos ng hukuman at ang magkabilang panig ay pinaharap sa paglilitis upang makapagpahayag ng kani-kanilang matuwid at karapatan. Ang usaping ito'y nagsimula sa isang kamalig na tisa sa tabi ng Tribunal na minana sa kanilang nuno, at dahil sa malabis ng katandaan ay nagkakadurog nang bumabagsak ang bubong. Noong dakong Nobyembre o Disyembreng nakaraan ay ipinabuwag ni Marianito ang bubungan ng kamalig upang maipatayong muli at dagdagan ang mga dating pader ng mga bago ito'y nang Enero o Pebrero) sa dakong daan, nguni't sa loob din ng bakod, at ang lahat nang ito'y ginawa sa mata ng Asyenda, na hindi naman nagsabi ng kahit kaputok; nasa ganitong kalagayan ang mga bagay-bagay nang mamatay si Marianito, at dahil sa mga kasangkapang napamili na at sa bayad na ipinagpauna sa mga manggagawa, ay inakala ng balo na ipagpatuloy ang pagpapagawa. Nang mamalas ng Asyenda na ipinagpapatuloy ang paggawa ay sinulatan ang balo upang ipatigil iyon, at kung hindi'y ipalalansag iyon sa gugol ng Balo; at sa dahilang hindi pinansin man lamang ang gayong pagbabala, ang Asyenda'y nagharap ng sakdal sa Hukom, at sa gayo'y natigil ang pagpapagawa. Gaya ng iyong mamamalas, ang balo'y hindi nagpapagawa ng bagong kamalig kundi ipinagpapatuloy lamang ang paggawang nasimulan na ng kanyang asawa, bilang tutora ng kanyang mga anak, at kung sakaling may pagkakautang si Marianito sa taong ito o sa nakaraan, ang hindi pagkibo ng Asyenda noong nabubuhay siya ay nangangahulu gan ng tandisang pagpapahintulot, bukod sa rito'y binawi sa kanya ang bukid na tubigan gayong bayad na ang buwis nito. Ito'y ipinatatalastas ko sa iyo pati ng lahat ng mga pangyayari upang magawa mo ang inaakalang dapat gawin, sapagka't dito'y kakaunti ang aming pag-asa sa ipagtatagumpay ni Lucia, na may mga utang na kailangang pagbayaran.

Sa pagdalaw sa Asyenda ng Sindiko ay nagbubusa laban sa bayan, tinuligsa't minura ang Gobernadorsilyo sa hindi pagsalubong sa kanyang kasama, ang mga tanyag na tao sa bayan at mga kuwadrilyerong may dalang bandila, sapagka't sa kan-



—389—