yenda. Mga kawalang-katarungan. Malungkot na pista ng
bayan. - "Nararapat kayong sumulat upang mawala ang mga
'terna' gayundin ang mga patalastas, ang mga suhol at
mga mahigpit na paglalaban ng mga pangkatin." ―
Hindi maaaring mabuhay nang tahimik hang-
Ika-12 ng Enero, [1890]
RIZAL:
Sa una kong sulat ay sinasabi kong huwag ka nang makialam sa paglakad sa usapin ng Asyenda; nguni't ngayon at dahil sa hangad na puksain ang bayan, ayon sa malas, at sila'y ibaon sa karalitaan, ay nagbabago ako ng palagay at sinasabi ko ito: na kinakailangang kumilos at gumawa ng buong pagsisikap upang matamo sa pamahalaan ang pananagutan sa tahanan at sa ikabubuhay ng ilan at sa mga karapatan sa pagmamay-ari (sakaling mayroon nito) ng iba naman.
Sa kasalukuyan ay may labintatlo o animnapung mamumuwisang ipinagsakdal ng Tagapangasiwa sa Hukumang Pamayapa upang sila'y palayasin sa Asyenda, alalaong baga'y kung matatalo sila sa usapin ay lalansagin, anila, ang kanilang mga kamalig, ang kabyawan at lahat na ng natatayo sa lupa, at sa dahilang ang Hukom, sa isang dako, ay hindi makagagawa ng nalalaban sa Korporasyon (samahan ng mga prayle), sapagka't siya'y naging alila ng Sindikong hinalinhan, at sa kabilang dako'y sapagka't ang karamihan sa mga mamumuwisan ay walang kuwalta upang makipag-usapin, kaya mahuhulo mo na kung ano ang mangyayari sa mga kulang-palad na ito. Si Lucia