Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/410

Mula Wikisource
Napatunayan na ang pahinang ito


123. Buhat kay Manuel T. Hidalgo para kay Rizal




Patotoong pinagtibay ayon sa batas ang pagpapatapon kay Hidalgo.

— Ang Heneral, ang Rektor at dalawang dominiko'y hinihintay sa
Kalamba. — Ang layon ng pagdalaw ay upang takutin
ang mga namumuwisan at nang magsipagbayad. — Si
Choleng ay guro na.—Hindi dapat sumulat ng tuwi-
ran si Rizal pagka't hinaharang ang kanyang
sulat.—Kabulaanan ang mga ulat sa kasu-
latang pampamahalaan laban kay

Hidalgo.


Maynila,
Ika-31 ng Disyembre, 1889


G. JOSE RIZAL


MINAMAHAL KONG BAYAW:

Kalakip nito ang patotoong pinagtibay ayon sa batas tungkol sa pagbinbin sa akin, gaya ng ibinalita ko sa iyo sa pamamagitan ng pahatid-kawad.

Ang Heneral, kasama ng Rektor ng Unibersidad at ng dalawang dominiko ay naparoong muli sa Binyang noong ika-27 nito, at siya'y hinihintay sa Kalamba. Tila ang layon ay takutin ang mga mamumuwisan upang magsipagbayad; sapagka't ipinananabi ng Sindikong si P. Francisco Gobeas na narito ngayon sa ating bayan, na ang mga taong kanyang ituro pagdating dito ng Heneral ay pawang ipagagapos at ipatatapon, gaya ng nangyari sa akin; nang magsadya sa Asyenda ang gobernadorsilyong si G. Eusebio Elefaño, ay sinabi sa kanya ng Sindiko na huwag siyang maghihingi ng lisensya o pamamahinga, gaya ng kanyang ginagawa, pagka't siya'y papalitan ng mga taong hindi minamabuti ng mga Pari; at

—384—