Noong nakaraang koreo ay nagpadala ako ng mga larawaran sa Trozo5 upang kayo'y magkaroon ng isa.
Si Moret6 ay nagsadya rito at hinangad niyang makatagpo ang maykatha ng Noli Me Tangere; gaya ng sukat mahintay, ay sinabi kong ako ang may-akda; wala akong sinabing anuman sa kanya sapagka't hindi iyon ang nababagay na pagkakataon upang humingi ng anumang bagay, ni dumaing, at inihandog niya ang kanyang sarili.
Ang pamilya ni Roxas7 ay paroroon sa Londres. Si Don Pedro ay kaibig-ibig nang gayon na lamang at isang ginoong totoong katangi-tangi.
Si Pedro Paterno8 ay malubha; ang kahabag-habag na tao'y hukot at maputlang-maputla, dahil sa maraming hirap na kanyang tinitiis.
Nagtamo si Hidalgo9 ng pangalawang gantimpala sa Tanghalan. Sina Luna at Felix Pardo10 ay pinagkalooban ng dalawang pangatlong medalya.
Kaming mga Pilipino ay nagtitipun-tipong makaapat sa loob ng isang linggo at kami'y umaawit ng Kundiman, kumakain ng sotanghon, adobo, at iba pa. Kung Miyerkoles ay sa bahay ni Donya Tula, kung Huwebes ay sa bahay ni Hidalgo, kung Biyernes ay sa bahay ni Ginang Boustead,
5 Sa purok na ito ng Troso, sakop ng Binundok, ay doon natira ang
nunong babae ni Rizal na nagngangalang Basilia Bauzon at ang kanyang mga
aleng sina Concepcion at Vicenta Leyva.
6 Ang tinutukoy na Moret ay dili iba kundi si G. Segismundo Moret, kilalang politikong kastila, magiliwin sa mga pilipino at naging "Ministro de Gobernacion" ng Ministerio ni Posadas Herrera.
7 Si G. Pedro Roxas ay isang milyonario sa Pilipinas, isa siyang mestisong pilipino, na nagsadya sa Paris dahil sa Tanghalang Pandaigdig. Si G. Pedro Roxas, na naging sangguniang pandangal ng Pangasiwaang Kastila, ay lalo't higit na pilipino sa damdamin kaysa kastila, kaya't nang panahon ng himagsikang 1896, ay pinaratangan siyang pilibustero at mapang-udyok, at siya'y binawian nang tungkulin sa pamahalaan sa bisa ng atas noong ika-30 ng Setyembre, 1886. Si Roxas ay umalis sa Pilipinas sa pagdadahilang siya'y maysakit, bagaman sa katotohanan ay upang lumayo sa kuko ng mga may kapangyarihang kastila sa Pilipinas. Sumakay siya sa "Isla de Panay," na sinakyan din ni Rizal na patungong Kuba, nang ika-3 ng Setyembre, 1886; gayon na lamang ang kanyang pagka-pilipino sa damdamin, na nang siya at ang kanyang anak na si Pedro ay bumaba sa Singgapur upang lumagi muna roon, ay buong higpit na inanyayahan si Rizal na umahong kasama nila, at nang makaiwas sa pagdakip sa kanya ng mga kastila.
8 Si G. Pedro Paterno ay nagdaranas noon ng sakit na almoranas, bukod sa isang "prostatitis" na lubhang nagpapahirap sa kanya.
9 Ang binabanggit na Hidalgo na nagtamo ng pangalawang medalya ay ang pintor na si Felix Resurreccion Hidalgo.
10 Ang binabanggit na nangagtamo ng dalawang pangatlong medalya ay sina Juan Luna, pintor, at Felix Pardo de Tavera, eskultor.