Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/401

Mula Wikisource
Napatunayan na ang pahinang ito


120. Buhat kay Rizal para sa kanyang mga
magulang at mga kapatid




Paris,
Ika-29 ng Hunyo [1889]

MINAMAHAL KONG MGA MAGULANG AT MGA KAPATID:


Pinadadalhan ko kayo ng dalawang larawan ko upang mamalas ninyong malusog ang aking pangangatawan.¹

Lagi nang maraming nanonood sa Tanghalan.2 May mga araw na mga 200,000 o higit pang tao ang pumapasok.

Si Luna'y3 may bagong anak na babae,4 na isinilang noong ika-24 ng Hunyo, kaarawan ni San Juan. Naging inaama ako sa binyag at isa ako sa mga pumili ng ipangangalan sa kanya. Ang ngalan niya'y Maria de la Paz, Blanca, Laureana, Hermenegilda Juana Luna at Pardo de Tavera. Pinili ko ang ngalang Maria de la Paz na siyang ngalan ng kanyang ina.

Hindi ako nakatatanggap ng liham ni balita buhat sa ka‍ nino man sa inyo.5

Inaakala kong mabuti ang lakad ng hanapbuhay ng aking kapatid na lalaki.


1 Ang mga larawang ito'y di-malayong siyang ipinakuha niya sa Londres noong 1888.

2 Tinutukoy ang Tanghalang Pandaigdig sa París, na binuksan nang buwan ng Hunyo ng taong ito, bilang paggunita sa Ikasandaang taon ng Paglagpak ng Bastilya.

3 Tinutukoy si Juan Luna, ang pintor.

4 Sasandaling nabuhay ang anak na ito ni Juan Luna; namatay siya sa París sa gulang lamang na dalawang taón, nang buwan ng Marso, 1892, na siyang simula ng malulungkot at kulang-palad na pangyayari sa buhay ng dakilang pintor na ito.

5 Ang mga huling sulat na natanggap ni Rizal nang buwan ng Pebrero ay di-malayong ang mga nagbuhat sa kanyang bayaw na si Hidalgo, na may petsang ika-12 ng Enero, 1889 at sa ibang mga kaanak niya, mga sulat na

hindi nahahayag.

—375—