pagtugtog ay mga kagamitang kawayan ang kanilang ginagamit
at sinasaliwan ng mga tambol. Ang lahat ng mga lalaki ay
palanganga, at may nakataling isang panyo sa liig; maliliit din
sila at kahawig na kahawig niyong mga nasa-Tundo. Hindi sila
kasing matipuno at masayang gaya ng ating mga tagabukid. Ang
mga bahay nila ay hindi rin kasimbuti ng pagkakayari ng sa atin,
datapuwa't sila'y lalong maraming industriya kaysa atin; gumagawa sila ng mga sambalilo, nagtitina ng mga damit, at iba pa.
Nang kauna-unahang pumasok ako sa nayon (ang ibinayad ay
16 na kuwalta) ay tila nasa-Mamatid o nasa-Parian9 ako. Maningning ang araw at maraming bahay na pawid saan mang
dako. Datapuwa't walang mga manok, baboy at aso.
Ang araw-araw na pamumuhay ko sa París ay ganito: isa o dalawang oras sa palakasan at sa "esgrima," tatlo o apat sa aklatan, at ang nalalabi ay ginugugol ko sa pagsusulat at sa pagdalaw sa mga kaibigan. Ito'y hindi ko nasusunod sa mga araw na ako'y tumutungo sa Tanghalan at sa ganitong mga araw ay dalawang oras lamang sa gabi ang nalalabi para sa pagpapalakas at "esgrima." Sa ganitong paraan ay naiingatan ko ang aking katawan. Ang aking mga bayaw at mga pamangkin ay hindi nararapat makalimot ng pagsasanay sa mga magkaparis na putol ng bakal at tungkod. Tuwing maka-makalawang gabi, buhat sa ika-8 hanggang ika-11 ay nagtitipon kami sa isang inuman ng kape at doo'y naglalaro ng ahedres. Tuwing Sabado ay inaanyayahan akong kumain sa bahay ni Luna,10 kung araw ng Linggo, kina Ginang Juliana11 at kung Biyernes ay dumadalaw ako sa mag-aanak na Boustead12 (pilipino rin) at manaka-naka'y umiinom ako ng tsa rito.
Pinadadalhan ko ang aking kapatid na lalaki ng ilang pa- hayagang pranses at kastila.
Hindi ninyo ako binabalitaan tungkol kay Trining13 at
9 Ang Mamatid o Parian ay dalawang nayon na ang una'y sakop ng bayan ng Kabuyaw, Laguna, at ang ikalawa'y sakop ng Kalamba, Laguna rin.
10 Ito ang bahay ni Juan Luna sa Boulevard Arago, blg. 65, na siya rin namang kinaroroonan ng gawaan o "estudio" ng nasabing pintor.
11 Si Donya Juliana Pardo de Tavera ay dili iba kundi ang ina ng asawa ni Juan Luna.
12 Ang mag-aanak ni Boustead ay isang mag-aanak na pilipinong ingles, na ang kanilang anak na si Nellie ay naging kasintahan ni Rizal nang 1891 samantalang nagtitira siya sa Biarritz.
13 Si Trining ay siyang nagngangalang Trinidad Rizal, at kapatid na
bata ni Rizal.