"opisyal" o kaya'y sa sariling kaparaanan sa pamamagitan ng
mga sulat na humihingi ng tulong. Dapat kong ipatalastas sa
iyo, na ang Gobyerno Heneral—Pangkalahatang Pamahalaan—ay malayang mag-utos o hindi ng pagsasakatuparan ng kautusan
ng "Supremo" at kung ibig namang mapinsalaan ang isa, ay
binibinbin ang "Real Orden" na nagbibigay-palá at pagkaraan
ng ilang panahon ay tuluyan nang hindi pinagbibigyan ang utos
na "tupdin." Ang mabuti sa ngayon, kung sa palagay mo'y mabuti, ay manghawak sa isang rekomendasiyon para sa Pamahalaang ito at pagkaraa'y ipagpatuloy ang mga paglakad sang-ayon.
sa tuntunin o kaugalian. May apat na buwan nang wala ako
sa bahay, hiwalay sa mga kaanak sa layong mahigit pa sa 300
leguwas, at ang paghahanap-buhay ay nakatiwangwang.
Ayon sa mga sulat na galing sa Kalamba, ay namatay na ang kapatid kong si Mariquita noong ika-11 ng nagdaang Nobyembre sa dati ring sakit na dinaramdam niya.
Sa lalawigang ito, ang tao ay "panátiko” pang totoo, labis na mapaniwalain, sa kakulangan ng karunungan. Saka ko na isusulat sa iyo ang maraming bagay rito, mag-iipon lamang ako ng mga dapat italâ.
Mga pagmamahal sa iyo at magpasiya ka sa iyong kapatid, na nagmamahal sa iyo nang buong puso,