ming bagay na laban sa iyo ang sinabi sa akin. Tangi sa rito,
sapagka't nakikitang ako lamang ang tanging hindi nagpupugay
sa kanya, at tinitiktikan ko ang kanyang mga hakbang, ay pinagtibay ang suplong ni Panong (Cipriano Rubio, tenyenteng nakaraan na at pansamantalang Gobernadorsilyo). Sina Kapitang
Lucas at Kapitang Kiko, ay nagsipagsabi ng gayundin; ang
una ay sa dahilang nagdaramdam sa akin, sapagka't noong
ako'y direktorsilyo ng Tribunal, ay nagkaroon ng isang nakawang may pinatay, at dahil sa ang anak niyang si Isidro, kasama
ng isang anak ni Periquet, kamag-anak o apo ni Kapitang Kiko,
ay nakasangkot... [...]
Ang pangalawa ay matandang kaalit ko dahil sa nagkaroon kami ng isang usapin tungkol sa mga manggagawa sa bukid, at natalo siya. Hindi ako naghain ng ano mang kasulatan ni paghahabol na anuman, ni hindi ako nakipagkita sa Heneral, sapagka't ang lahat ng iyo'y walang kabuluhan, mga hakbanging walang kabuluhan dito; diyan, oo, kaya nga ipinadala ko sa iyo ang aking pagbibigay-kapangyarihan, na kung maaari ay maisaayos agad. Gaano ang kikilanlin ko! Nguni't kailangan mong isiping mabuti ang kaparaanang dapat gamitin, sapagka't ang Heneral ay maaaring magpakarahas, bagay na dito ay siyang karaniwan; kung nasa ibang lupain sana ito ay walang kailangan sa akin. Ipinaaalaala ko sa iyo na noong ang Ministro, sa pamamagitan ng Senado, ay nagtanong sa pansamantalang Gobernador sa kapuluang ito, ang Pangalawang Kabo na si Molto; na kung totoo ngang sa lalawigan ng Bulakan ay may "pilibusterismo," ay sinagot na hindi sa Bulakan lamang kundi saan mang dako ng mga lupaing ito ay walang "pilibusterismo," tangi sa ang bagong Kodigo Penal ang nagsasaad ng walang katigatigan ng mga tahanan, ang mga L. (Leyes) Batas sa Indias ang nagsasabing hindi maaaring ang mga likas na tagaroon [...] (para sa daungang ito hanggang sa mga [...] Nang gabi ng Sabado, ika-6 ng kasalukuyan, ay dumating ako rito na sakay ng bapor-koreo; noong Martes, ika-9, ay pinapagtiis kami ng tatlong araw na pamamansin at (hindi) kami nakababa kundi noong Biyernes, ika-12. Bukas ko ipagpapatuloy ang aking paglalayag hanggang Tagbilaran, na ang layo ay may anim (6) na oras kung babangkain. Magkakahalaga sa akin ang biyahe hanggang doon ng P27 o P30 (may