totoong kaibig-ibig. Doo'y umiinom ako ng tsa, kasama ng
mag-aanak. Ang ginoong ito, na nagngangalang Doktor Rost4
ay bumayad ng 40 piso sa isang balarilang Tagalog ni P. Ortis;
nasa-akin ngayon ang
ngayon ang balarila sapagka't ipinahiram niya sa akin.
Sa koreong ito'y ipinadadala ko kay Eusebio5 ang kanyang mga mata. Napilitan akong ipadala sa kanya ang mga matang ingles sapagka't hindi pa ako nakaparoroon sa Pransiya. Saka ko na siya padadalhan ng mga matang pransés.6
Dito'y maraming mabubuting eskopeta para sa pangangaso; sakaling ninanais ang mga ito ng aking mga bayaw, ay isulat nila sa akin; ang bawa't isa'y nagkakahalaga ng hindi hihigit sa 70 piso; may mga lalo pang mura.
Ipakibalita ninyo sa akin kung tinanggap nila ang lahat ng aking ipinadala sa kanila, mga sulat, mga larawan ng aking kapatid na babaing si Olimpia, mga suklay, bakuna, at maraming iba pa. Sumulat kayo sa akin upang huwag kong akalaing ang mga sulat ay nawawala.
Maaari ring ganito ang gawin: ipadala sa akin ang mga liham na napapaloob sa isang sobreng ipadadala sa Konsul ng Espanya: 21 Daang Billiter E. C., Londres.
Hanggang dito na lamang, pagmamahal sa lahat, at nawa'y manatili kayong nagkakaisa at nagkakasundu-sundo.
Ang inyong anak at kapatid na magiliw na nagmamahal sa inyo,
4 Si Dr. Reinhold Rost, ay siyang pinagtagubilinan kay Rizal ni Blumentritt. Ang Doktor na ito'y naging matalik na kaibigan ni Rizal at tinulungan nito nang gayon na lamang sa kanyang mga gawaing nauukol sa pagsisiyasat.
5 Si Eusebio Elefaño ay anak ni Kapitan Francisco Elefaño sa Kalamba. Siya'y nabulag nang taong 1884, at tinistis ni Rizal sa Kalamba nang taong 1887.
6 Ang tinutukoy ni Rizal na mga "matang ingles" at "mga matang pranses" ay dili iba kundi ang mga matang kristal o yari sa kristal para kay Eusebio Elefaño.