mga magulang at mga kapatid
Londres
Ika-12 ng Hunyo, 1888
MINAMAHAL KONG MGA MAGULANG AT MGA KAPATID:
Noong ako'y dumating dito ay natagpuan ko ang ilang
sulat ni Blumentritt at ni Llorente,1 datapuwa't walang galing
sa inyo ni sa kaninuman sa kaanak.2 Pinagtatakhan ko ang
bagay na ito at hindi ko mahulaan ang dahilan. Inaakala kong
hindi ang koreo ang siyang nararapat sisihin sa bagay na ito.
Lumiliham ako sa inyo ngayon buhat sa aking bagong tinitirhan na inilagay ko sa ulunan ng liham na ito. Kung ang mga sulat ninyo'y hindi nangaligaw ay maaari ninyong ipadala ang
inyong mga sulat sa:
J. RIZAL, Esq.
37 Chalcot Crescent
Primrose Hill N. W.
Londres
Inglatera
Itutuloy ko ang liham na ito, at sasabihin ko sa inyong
kami'y dumating sa Liverpool noon ding ika-24. Pinaraan ko
ang gabi sa Adelphi Otel (Dito ang isang pinggang sabaw ng
1 Ang mga sulat na ito nina Blumentritt at Llorente, na binabanggit ni Rizal ay hindi kasama sa Epistolario, at hindi rin matagpuan sa ibang mga sulat niyang natuklasan na hindi pa nalalathala.
2 Dapat nang maisip na siya'y hindi makatanggap ng sulat ng kanyang mga kaanak nang siya'y dumating sa Londres, sapagka't nalalaman nilang si Rizal ay naglalakbay at hindi nila natatalos ang araw na idarating sa Londres, ni hindi nila nalalaman kung saan ipadadala ang kanilang sulat.