Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/387

Mula Wikisource
Napatunayan na ang pahinang ito


kaming madalas ng mga tugtugan sa sasakyang-dagat, may isang piyano at isang organo para sa pagsimba sa sasakyan kung araw ng Linggo.

Umaasa akong daratnan ko na ang mga s lat na galing sa inyo pagdating ko sa Londres.

Ako'y nagpadala sa inyo nang mga araw na nakaraan ng inga tulang sinulat ko samantalang ako'y nasa Alemanya: kung maaari'y padalhan ninyo ako ng isang sipi sa lalong madaling panahon.²

Ang kainan ng sasakyan ay 24 na dipa ang haba at 18 ang lapad.

Marami akong naging kaibigan sa sasakyang-dagat, kabi- lang sa mga ito'y mga amerikano at mga ingles at ilang mag- aanak; naririnig na sinasalita ang halos lahat ng wika. May dalawang sakay, na ako lamang ang kinakausap: isang hapón at isang kastila na walang ibang wikang nalalaman kundi ang kani-kanilang sarili. Ang kastila ay isang binatang napasa- Mehiko noong siya'y bata pa at ngayo'y umuuwing maraming salaping dala, na kinita sa mahirap na paggawa; siya'y isang binatang kaibig-ibig nang gayon na lamang.³


2 Hindi mapag aalinlanganang ang tinutukoy niya'y ang kanyang tulang pinamagatang "A las Flores de Heidelberg" (Sa mga Bulaklak ng Heidelberg).

3 Walang katapusan ang sulat na ito. Hindi malayong hindi niya pinagpatuloy gaya ng kanyang ipinangako sa unahan ng sulat.

—361—