na tinig; wala silang kakibu-kibong nakaupo sa kanilang mga
tindahan.
Ang mga Hapón ay pandak, matataba, mapuputi at mamula-mula ang mga pisngi. Ang buhok nila'y lalong matigas makapal kaysa atin, at kakaunti ang namalas kong buo ang ngipin. May ilang malalaki ang mata. Ilang lalaki ang nakadamit Europeo at kawangis sila ng mga lalaki sa Binyang.
Ang Yedo o Tokyo ay malaking-malaki; sinasabing malaki pa raw kaysa París at may isang angaw na tao. Higit na maganda ang Maynila, datapuwa't ang Tokyo ay lalong nakatatawag ng pansin dahil sa mga gusaling mapapanglaw, maluluwang na inga lansangan at makakapal na pader.²
Aalis akong patungong San Francisco sa loob ng ilang araw.
Magiliw akong humahalik ng kamay ng ating mga magulang at yumayakap sa mga kapatid na babae at sa mga bayaw.
Ipadala ninyo sa akin sa Londres ang sipi . . .³
1Isa-isang iniulat ni Rizal ang mga bayan at mga nayon at pook na kanyang dinalaw upang mapag-aralang mabuti ang kaugalian at hilig ng mga taong bayan. Sa mga bayang ito, ang lalong may halaga ay ang Indio, isang bayan ng prepektura ng Housa na tanyag sa kagandahan ng mga tanawin at ng pagkakaroon ng mga bantog na templo, na siyang kinaroroonan ng bangkay ni leyasu, na siyang nagtatag ng "Shogunato" ng Tokugawa; at ang Kumakura, isang bayang nasa baybayin ng Yokohama, sa layong 12 milya nito, na kamamasdan ng isang napakalaking estatuwang tanso ni Budha, na ang taas ay may 50 talampakan.
2Ang sulat na ito'y wala ring katapusan.