Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/369

Mula Wikisource
Napatunayan na ang pahinang ito


105. Buhat kay Rizal para sa kanyang ama






Ipinagbibigay-alam ang kanyang pag-uwi.
(Tarhetang Pangkoreo)


KAY GINOONG FRANCISCO RIZAL
Kalamba — Laguna de Bay
Kapuluang Pilipinas


Roma,
Ika-29 ng Hunyo, 1887

MINAMAHAL KONG MGA MAGULANG:


Naparoon po ako sa Turin, Milan, Venecia, Florencia at ilang araw nang ako'y naririto. Nadalaw ko na ang San Juan de Letran, San Clemente, ang Foro Romano, ang Kapitolyo, ang Coliseo, ang mga Katakumba, ang Palatino at maraming iba pa. Ngayo'y dadalaw ako sa Batikano at sasamantalahin ang kapistahan nina San Pedro at San Pablo.

Sa ika-15 ng Hulyo, at ito na ang pinakamaluwat, ay. sasakay ako sa bapor na patungo sa bayang iyan, kaya mag kikita po tayo buhat sa ika-15 hanggang ika 30 ng Agosto.

Ang inyong anak na nagmamahal sa inyo,

RIZAL.






—343—