Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/366

Mula Wikisource
Napatunayan na ang pahinang ito


103. Buhat kay Olimpia para sa kanyang
kapatid na si Rizal




Mga balita tungkol sa pamilya.
Santa Cruz (Manila)
Ika-31 ng Marso, 1887.

GINOONG JOSE RIZAL.


MINAMAHAL CON CAPATID:


Itoy icalaua co nang sulat sayo, ay hindi aco tumatangap ni isa at gayon din naman si Vestre tatló na niang sulat sayo, at ang catapustapusan ay ñg icao ay na sa Berlín, casama ang giro $300, caya sia ay nag aantay ñg sagot mo. Acoy ualang ma ibaablita sayo na malaqui bagang bagay, liban na lamang sa ating boong familia at sa ibang nating mañga caquilala. Si Tatay at si Nanay ay mabuti aua ng P. D. datapua ay hindi mapiguil ang canilang pag tanda, si nanay ay malabo na ang mata, si tatay naman ay nag babayo na ng hicho, at cami namang mañga capatid mo'i mabubuting pareparejo, at si Titay na anac ni tininting Teang ay namatay ná, si Dandoy naman capatid ni Chopen ay mag aasaua na que Elang na anac ni capitang Faeng. Cami ay nandito ngayon sa Maynila at dito sia destinado.

Casama nito ang maraming halic sayo ng mañga pamanquin mo, Aris at César at gayon din naman cami ang madlá at maraming comusta sayo, at cailan pa tayo mag quiquita?

Ang capatid mo,
OLIMPIA RIZAL.






—340—