Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/364

Mula Wikisource
Napatunayan na ang pahinang ito


102. Buhat kay Mariano Herbosa at Lucia
para sa kapatid nitong si Rizal.




Mga balita tungkol sa pamilya.
Ika-27 ng Marso, 1887.
Calamba, Laguna,

GINOONG JOSE RIZAL.

INAMAHAL NAMING CAPATID:


Huwag mong damdamin ang calayu-an nang pag-itan nang aquing at ñgayo'i, tatangap ká nang isang balitang capus halos ang dila kong mag say-say nang katuwaan.

Nang arao nang miércoles fha. 23 nitong buang lumalakad ay nañganac si Lucía nang isang totoong magandang lalaki, mataba at ualang saquit, na caparis din nang caniyang Yná; kaya ñga't ang bauat mag tanóng cung cailan bibin-yagan ay ang sagot ko ay pagdating mo ó ang pahintulot pag sangayon kaya pagpapadrino ó maguing ina amá sa bin-yag, na ito'i ibig cong papagtibay-in (co) liban na lamang ang isang malaquing kadahilanan: kaya aming ipinamamanhik sa iyo na mangyaring sagutin agad ito dahil na sa aco'i naquipag usap na sa Cura tuncol ñga sa pag bibin-yag, itinatanong ko kung mangyayaring maisulat na sa pañgalan mo, ay ang sagot ay kailangan dao ang pag sangayon mo, datapuat tila pumapayag na antayin ang sagot mo.

Ysulat mo tuloy kung mangyayari ang mabuting ipañgalan, ang mabuting gauin sa pag aalaga at nang huag nang mamatay agad.

Natanto mo na icao ay aming iniibig.

MARIANO HERBOSA.






—338—