Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/362

Mula Wikisource
Napatunayan na ang pahinang ito


101. Buhat kay Maria para sa kanyang
kapatid na si Rizal




Nakikiming nagsalita si Maria tungkol sa bago niyang
kalagayan sa buhay at tungkol sa asawa,
isang binatang taga-Binyang.
Biñan, Laguna,
Ika-15 ng Marso, 1887.

GINOONG JOSE RIZAL.

MINAMAHAL CONG CAPATID:


Tinanggap co ang pinacayayaman mong sulat at natanto co ang doo'i sinasaysay: Bagay sa sinasabi mong sa pamamagitan lamang ni Silvestre at ng ating capatid ang pagcatanto mo ñg paglipat co sa pamamagong buhay at hindi napagtanto mong cusa sa aquin, ang lahat ng ito di mo sana nauucol hanapin sa paris cong nagtatrabajo at gulo ang pagiisip sa pagtimbang timbang ng buhay na mararating; at seguro nama'i talastas mo ang lahat ñg bagay na quinacailangan ñg taong tumatangap ñg cargo ay quinacailangang suyuring magaling sa pagiisip ang dadating na sigasigalot na cabuhayan, subaling ito ay calooban ñg langit at ang lahat ng quinacailangan sa ibang sulat cona ipaiintinde sa iyo tungcol sa estado at sa panahong ito'i di cona maisasaysay na lahat at di pa aco tumatangap ñg malamig na simoy ñg catahimican.

Tungcol sa pagpapacumusta ay napagtanto ng lahat ang magandá mong nasá, caya sila namang lahat ay tumatanong ó nagpapacomusta sa iyong calagayan at tungcol doon sa pagaapuhap mo ñg pagcaquilala sa pangalan ng bagong capatid mong may anyong quilanlin ay isang batangbatang tagarine sa Biñan ang pangalan ay Daniel Faustino Cruz.




—336—