Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/361

Mula Wikisource
Napatunayan na ang pahinang ito


Hindi ko ipinadala sa iyo ang pensiyong ukol sa mga bu wan ng Enero at Pebrero, sa dahilang pagkatapos na mapadal- han kita ng 300 piso, ay tumanggap kami ng isang sulat na doo'y iyong sinasabing ang pagpapalimbag ay nagkakahalaga ng hindi kukulangin sa 400 piso hanggang 500 piso, at dahil dito'y inakala kong hindi maisasakatuparan ang pagpapalim- bag, kaya gagamitin mo na ang halagang iyon para sa iyong pensiyon.

Maraming bagay ang maibabalita ko sa iyo, datapuwa't ang pagkabyaw ay hindi nagpapahintulot na ako'y pakahaba, at isa pa'y inaasahan kong makakausap kita nang harapan sa araw ng pista, kung ito'y pahihintulutan ng Diyos at ng Guwardiya Sibil.

Ang iyong kapatid,
PACIANO RIZAL MERCADO






—335—