Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/356

Mula Wikisource
Napatunayan na ang pahinang ito



bil na magarang manamit at mapagmalaki. Ang taong iyon ay siya nga, ang dakilang si Moltke, ang pangunahing talino sa digma ng kasalukuyang dantaón, na tumalo sa tatlong bansa, sapagka't nang masalubong niya ang ilang kawal ay buong pag galang na nagpugay sa kanya; ang mga taong nakakikilala ay lumilingon upang siya'y makita at mamasdan; marami rin ang nagdaan sa tabi niya nang hindi man lamang nagpugay, at ito'y hindi pinansin ni Moltke. Sa bagay na ito'y nakita kong siya'y daig ng ating mga tenyente ng Guwardiya Sibil at ng ilang gobernador ng lalawigan at ng mga prayle, na itinu turing na kasalanang malaki ang hindi pag-aalis ng sambalilo sa kanilang harap.* Datapuwa't ano ang ating magagawa? Ang mga abang taong iyon ay may katuwiran, sa dahilang pagka tapos na sila'y pagkaitan ng Diyos ng talino, pagmamatuwid at karaniwang pandamdam, pagkatapos na sila'y pagkaitan ng li punan ng magandang-aral, pagkakatuto at pagpapakundangan, ay pagkakaitan pa ba nating mga Indiyo ng pagpupugay?, at ano na lamang, kung gayon, ang matitira sa mga sawimpalad na ito sa lupang tigib ng luha maliban sa isang kaputol na lubid upang sila'y makapagbigti? Dahil dito'y pinagsisisihan ko nang buong puso ang aking inasal kay Tenyente Porta at gayon din sa ibang mga prayle, at buhat sa sandaling ito'y nagtitika akong magpupugay na sa kanila upang sila'y huwag magpatiwakal, at baka ako'y hingan pa ng pagsusulit ng Diyos sa pagkapariwara ng isang Kristiyano. Dahil dito, ninanais ko at ninais kong lunasan at iwasto ang aking inga kahangalang nagawa noong ako'y bata at pinaghahanap ko ang lahat ng taong maaaring nalapastangan ko datapuwa't tila ako'y sinasamang palad, sapagka't wala na akong nabalitaang sinuman sa kanila. Tangi sa rito at upang mawakasan ang paksang ito ng pagpu pugay, ay mabuti ring mapagtangi-tangi sa gayong paraan, ang mga taong may halaga at mga taong walang kabuluhan.

Ang hapon ay malamlam, sapagka't umuulan na naman ng yelo; gayunman, ang mga nagdaang araw ay hindi na maginaw. Ang mga sasakyang "trineo" ay nagkalat sa mga daan. Ang Spree, alalaong baga'y ang ilog, ay nagsisimulang maging


4 Tinutukoy niya ang pangyayaring naging sanhi ng kanyang pakikipag kagalit sa isang nagngangalang Porta, tenyente ng Guwardiya Sibil, na sa pa mamagitan ng isang panghagupit ay sinugatan siya sa likod nang isang gabing madilim sa Kalamba, dahil lamang sa hindi siya nakapagpugay pagka't hindi niya nakilala sanhi sa kadiliman nga ng gabi.

5 Ang Spree ay isang ilog sa Alemanya na may 200 milya ang haba at nagmumula sa Sahoniya. Ang isang bahagi ng ilog na ito'y napamamangkaan at ang tubig ay sumasama sa ilog Oder sa pamamagitan ng dalawang kanal.

—330—