Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/355

Mula Wikisource
Nabasa at naiwasto na ang pahinang ito



bayang naririto, at kung minsa'y nag-iisa, at hindi ako nanghinayang na gumugol sa pagdiriwang na ito ng kaunting kuwaltang naitatago ko.2

Tatlong gabi nang sunud-sunod na kayo'y lag kong a papanaginip at kung minsa'y paulit-ulit k kay ng mapana ginip sa loob ng isang gabi. Hindi ko nais na maging mapa mahiin, bagaman ang Bibliya at ang mga Ebangheliyo ay na niniwala sa mga panaginip; datapuwa't nais kong paniwalaang ako'y lagi na ninyong nagugunita at ito ang siyang sumasag sa aking isip na dumaraan sa isip naman ninyo, sapagka't sa anu't anuman ang utak ko'y bahagi ng utak ninyo, at ito'y hindi dapat pagtakhan, sa dahilang samantalang ako'y natutulog dito, ay nakagising naman kayo riyan at marami pang iba.

Halos isang linggo na ngayong walang humpay ang pag-ulan ng yelo; ang mga taong naglalakad sa mga daan ay nangadarapa, sapagka't ang yelo'y nagiging madulas kapag nilalakaran at nayayapakan. Kami ng kaibigan kong si Viola ay nag-iingat kung kami'y naglalakad, nag-aakbay kami upang kung madulas ang isa'y maari siyang humawak sa kasama.

Noong isa sa mga nagdaang araw, habang kami'y nagpapasyal sa liwasan, ay nakita namin sa aming likuran, ang isang mataas na opisyal ng hukbo na nakabihis ng parang pinakamababang kawal, walang medalya at walang galón; siya'y nakagora at nakakapote. Mabagal ang lakad ng militar, datapuwa't malalaki ang kanyang mga hakbang; buhat sa malayo'y tila nakilala kong iyon ang bantog na si Heneral Moltke,3 datapu wa't hindi ko mapaniwalaan; nag-aalinlangan ako, sapagka't siya'y nag-iisa at walang gara ang suot, palibhasa'y nasanay na ako sa pagmamalas sa mga sarhento't alperes ng Guwardiya Sr

2 Napakahalaga kay Rizal ang kapistahan to a hindi m g iy ipinagdiriwang n mag isa kundi inaalaal pa rin ang iba upang ipagdiwang din. Nang siya'y nasa Alemanya, ilang buwan pa muna bago dumating ang Pasko, y nagpadala siya sa ilipinas, par sa kanyang mga pamangkin, ng ba't ibang maliliit na larawan upang ipalamuti sa Belen, na binubuo ng larawan ng batang si Hesus na nasa labangan, ni San Jos, ng Birhen, mga pastol, tatlong han, mga baka, mga tupa at iba't iba pa na pawang yari sa pagkit t pinatigas na dagta ng mga halaman.

3 Moltke—Walang salang tinutukoy ni Rizal ang bantog at dakilang Puno n Estado Mayor ng Hukbong Aleman, ang "Mariscal de Campo" na si Konde de Moltke. Ito'y nabantog at nabunyi dahil sa iba't ibang labanang pinagta gumpayan, gaya ng digmaan s Sedan, sa Ehipto at nang kubkubin ang arís. Ang tunay na pangalan nito'y Helmuth Karl Bernhard, "Conde de Moltke" (1880-1891), na di dapat ipagkamali sa kanyang pamangkin na si Helmuth Johannes Ludwig, "Conde de Moltke" (1848 1916), na naging Heneral ding

aleman. Ang tinutukoy ni Rizal ay ang una o ang matandang Moltke, at di itong huli.

—329—